(Paraan ng paggawa ng sariling binhi kung walang seed processing facilities)

  • Bumili ng 100 pirasong mais na gusto mong variety itanim. Kung ito ay alisin na sa busal (cob) sapat na ito sa isang ektaryang taniman. Dagdagan ang mais kung mas malaki ang tataniman..

  • Magtanim ng una ng dalawang linggo kaysa sa mga katabing taniman. Magtanim sa layong 0.75 m bawat hanay o linya at 0.20 m naman bawat puno.
  • Alisin ang mga mahinang tanim umpisa sa pagtubo nito hanggang sa ito’y mamulaklak. Alisin ang mga natumbang tanim, may sakit o payat.
  • Kung lumabas na ang tassel bago kumalat ang pollen alisin ang tassel ng tatlong magkakatabing hanay o linya at iwanan ang susunod na hanay hanggang 75% ng tanim ay natanggalan ng tassel. (Paalala huwag alisin lahat ng tassel).
  • Anihin ang mais sa mga tanim na inalisan ng tassel upang gamitin bilang binhi..Alisin ang mga mahinang klaseng bunga ang mga punong hindi inalisan ng tassel puwedeng ibenta ang bunga bilang commercial na mais.

    Paano Gumawa ng Sariling Variety

    Pag-cross ng Mais

    1.Pumili ng dalawang varieties na maaring i-cross dahil sa taglay nilang mga katangian.. Halimbawa pumili ng variety na malalaki ang bunga at maganda ang klase ng buto.
2. Bumili ng 100 pirasong mais ng bawat variety na inyong napili. Tanggalin sa busal ang bawat variety na inyong pinili.
3. Piliin kung alin sa dalawa ang gagawing babae (A) at kung alin ang lalaki (B). kun arin an lalaki (B). Gawing babae ang variety na laging ginagamit sa lugar. Itanim ang dalawang variety na magkatabi o salitan sa bawat hanay tulad ng A B A B A B...
4. Kung lumabas na ang mga tassels sa hanay ng mga babaeng variety alisin agad an tassel bago ang anther ay magkalat ng pollen. Gawin ito araw-araw hanggang lahat ng babaeng mais maalisan ng tassel. Huwag alisin ang tassel ng mga lalaking variety.

5. Anihin an mga bunga sa mga babaeng mais pagdating ng tamang panahon.
.
 
Pagsasa-ayos ng Variety
 
  • Tanggalin sa busal ang mais at ipunin ang mga buto..
  • Magtanim ng 1/10 ng ektarya.
  • Sa panahon ng pag-ani piliin ang mga bunga na magandang klase at uri, malalaki, maganda ang balat walang sakit , maganda ang uri ng buto. Pumili ng 100 pirasong bunga..
  • Umpisa sa pagtubo ng mga buto hanggang sa paglabas ng mga tassel palaging alisin ang mga mahina, may sira na puno. Ito’y ginagawa dahil pagkatapos magkalat ng pollen hindi na kaliangan alisin ang mahihinang tanim dahil tapos na ang pollination sa ibang tanim.
  • Itabi ng maayos ang mga bunga . Huwag alisin ang mga balat . Patuyuin at isabit o itago ang mga bunga sa malinis na lugar at hindi nababasa kung umuulan at hindi makakain ng daga. Ulitin ang mga paraan hanggan makuha an magandang uri ng variety na inyong kailangan.
Dagdag na Tips Pagkatapos Mag-ani

¨ Ang bunga ng mais na may balat ay maaring patuyuin at itabi o isabit sa lugar na ligtas sa ulan at sa mga daga.
¨ Ang ibang magsasaka na nais kumuha ng inyong binhi ay maaring itabi an makis sa parehong paraan. Hindi na magkakao\roon ng suliranin ang mga magsasaka sa pag-alis ng mais sa busal, pagpatuyo, seed treatment at pag-sako.
¨ Maaring uriin ang mga binhi para maibenta sa mga magsasaka upang makapagbigiay ng tamang presyo sa binhi. Ang mga mais na hindi mabibili ay pwedeng ibenta bilang commercial grain.
¨ Maaring alisin sa busal ang mga mais, patuyuin at ilagay sa sako na may timbang na 20 kilo bawat sako . siguraduhin na ang moisture congtent nito hindi tataas sa 12%.
¨ Kung ang mais papatuyuin sa sementadong biladan, siguraduhin na pirming haluin ang binilad. Madaling uminit ang semento na puwedeng makasira sa viability ng banhi.
 
Hango ito sa:
FSTP
R.G Danide,A.A. Arnyo W.
R. Abear and S.C. Reminiano
Series No. 7 & 8 2002
 
Inihanda ng:
Regional Agriculture and Fisheries Information Division
Department of Agriculture
Regional Office No. V
San Agustin, Pili, Camarines Sur
4777802/3611858
 
“ Bakit dapat mong ibahagi.....?
 
May isang reporter na nagtanong sa isang mag-sasaka kung ano ang kanyang sekreto sa kanyang palaging panalo sa paligsahan taon-taon sa pagtatanim ng mais. Sinabi ng magsasaka na kanyang ibinabahagi ang kanyang binhi sa kanyang mga kapwa magsasaka sa kanilang lugar.
“Bakit mo ipinapamahaig ang mga magaganda mong binhi saiyong mga katabing magsasaka na pare-pareho kayong sumasali sa paligsahan taon-taon? tanong ng reporter. .
“Alam mo ang hangin ang siyang nagdadala ng mga pollen mula sa mais upang ikalat ito sa kalawakan ng taniman. Kung ang katabi kong magsasaka ay mahina ang ginamit na uri ng binhi ang paraan ng cross pollination magbibigay din ng mahinag klase o uri ng mais sa akin.Kung ako magtatanim ng magandang uri ng mais dapat kong tulungan an aking kapwa magsasakang magtanim din ng magandang klase ng mais.
Ganito din ang dapat sa ibang sitwasyon ng ating buhay. Ang mga gustong umunlad sa buhay dapat tumulong din upang umunlad din ang buhay ng kanyang kapitbahay, kaibigan, at ka-pamilya. Kung inyong piniling mabuhay na maunlad dapat ninyong tulungan umunlad din ang iba dahil ang halaga ng ng buhay ay nasusukat sa dami ng mga taong ating natulungan. At yun namang pinili ang kaligayahan dapat tulungan din ang iba na maging maligaya dahil ang kabutihang ating maipamamalas sa bawat isa ay mauuwi sa kabutihan at kaunlaran ng lahat.
 
Note: Sa Amerika bago nagawa ang hybrids at ma-commercialized, ang mga magsasaka doon nagtatanim ng open pollinated varieties at palagi silang may paligsahan ng pinakamalaking bunga ng mais para mahikayat ang mga magsasaka na magtanim ng mga varieties na mataas ang ani.

(Translated ito mula sa ginawang article ni James Bender)